Home NATIONWIDE Mga negosyanteng Australian niligawan ni PBBM

Mga negosyanteng Australian niligawan ni PBBM

MANILA, Philippines- Niligawan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang mga negosyante sa Australia.

Layon kasi ng Pangulo na palakasin ang regional economic integration agenda nito.

Hinikayat ng Chief Executive ang Australian businesses na mamuhunan sa bansa sa pamamagitan ng pagbibigay-diin sa investor-friendly reforms at isang ‘robust and resilient economy.’

Ito ang sinabi ng Pangulo sa Philippine Business Forum sa Melbourne sa sidelines ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN)-Australia Special Summit, araw ng Lunes, Marso 4.

Sa naging talumpati ng Pangulo, pinasalamatan nito ang mga Australian business leaders para sa patuloy na tiwala, kumpiyansa at interes sa Pilipinas.

“Through this visit, we are sending a clear message that the Philippines is enhancing our regional economic integration agenda in several aspects,” ayon sa Punong Ehekutibo.

Idinagdag pa nito na ang event ay pagdiriwang ng “robustness and resilience” ng ekonomiya ng Pilipinas.

“We take pride in being an ideal destination for complementation in both manufacturing and services,” ayon sa Pangulo.

Aniya pa, masigasig ang Pilipinas sa pagsasaliksik sa bagong ‘avenues of cooperation’ at pangalagaan ang mutually beneficial partnerships na hindi lamang ‘commercially meaningful’ kundi mayroong epekto sa lipunan.

“I invite esteemed Australian businesses to consider the Philippines as a reliable partner that can support your expansion and operations,” ayon sa Pangulo.

“Together, with you as our strategic partner, we can make investments happen in the Philippines,” dagdag na pahayag nito.

Sa kabilang dako, tiniyak naman ni Pangulong Marcos sa Australian business leaders na ang Pilipinas ay matatag sa pangako nito na ituloy ang layuning reporma, na kitang-kita naman sa mga mahahalagang legislative amendments.

Partikular na binanggit ng Pangulo ang amyendang ginawa sa Public Service Act, Foreign Investments Act, Retail Trade Liberalization Act, CREATE Act, Renewable Energy Act, at ang bagong pinirmahan na Tatak Pinoy (Proudly Filipino) Act.

“They (reforms) all mark a new era for strategic investments coupled with streamlined businesses, infrastructure development, and the comprehensive tax reform program, these reforms positioned the Philippines as one of the fastest-growing economies in Asia,” ayon kay Pangulong Marcos.

“We continue to accelerate and deepen policy reforms to improve the environment where businesses, such as yours, will continue to thrive,” dagdag niya.

Base kay Pangulong Marcos, ang mga reporma ay ginawa matapos pakinggan ang inputs ng foreign investors.

“We have used as a guide the inputs that we have received from potential and present investors in the Philippines in terms of the ease of doing business, modifying the tax structure, and making it a more attractive investment destination,” wika pa niya.

Ipinakita naman sa Philippine Business Forum ang lakas ng ekonomiya ng Pilipinas sa potensyal na Australian investors at hinikayat ang two-way trade at investments sa pagitan ng Australia at Pilipinas.

Pinahihintulutan din nito ang Philippine business delegation na magtatag ng bagong kontrata at padaliin ang partnerships sa Australian market.

Ang event ay inorganisa ng Department of Trade and Industry (DTI) sa pakikipagtulungan sa Australia-Philippine Business Council (APBC), Philippines-Australia Business Council (PABC), at sa Australia-New Zealand Business Chamber (ANZCHAM). Kris Jose

Previous article‘Batang Magaling’ Bill muling itinulak ni Gatchalian
Next article‘Ayuda’ programs ng pamahalaan pinarerebyu sa Palasyo vs korapsyon