Home NATIONWIDE Mga opisyal ng barangay dapat civil service eligible – Ombudsman

Mga opisyal ng barangay dapat civil service eligible – Ombudsman

2
0

MANILA, Philippines – Nais ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla ang mga barangay chairperson, treasurer, at administrator na maging civil service eligible dahil ang mga ito ay frontline sa mga serbisyo.

Kabilang kasi sa mga kwalipikasyon sa mga nagnanais ng posisyon sa barangay ay dapat itong residente ng Pilipinas, isang registered voter sa lugar kung saan ito tumatakbo, at kayang magsulat at magbasa.

Sa ngayon ay wala pang requirement sa civil service eligibility.

“Kasi first line of service ‘yan, dapat ‘yan civil service eligible para naman maayos,” ani Remulla.

“Dapat ‘yan diyan pa lang efficient na tayo.”

Hindi naman sinasabi sa batas na ang civil service eligibility ay kailangan para sa presidency ngunit sinabi ni Remulla na isa rin itong dapat ipag-alala.

“Problema ‘yan pero ‘wag na muna ‘yan. Dahan-dahan, isa-isa ‘yan,” sinabi ng Ombudsman.

Iginiit ni Remulla na dapat muling pag-isipan ng bansa ang sistema sa barangay at sinabing mayroon ding pork barrel kahit sa pinakamaliit na yunit politikal. Sa kabila nito ay wala namang binanggit na kahit anong detalye si Remulla tungkol dito.

Ang barangay at Sangguniang Kabataan elections ay nakatakda sa Nobyembre 2.

Ngunit inaprubahan naman ng Senado ang panukala na magpapaliban sa halalan sa Nobyembre 2028.

Inadopt naman ng Kamara ang panukala ng mataas na kapulungan.

Naghihintay pa ang Commission on Elections ng pinal na desisyon habang naghahanda sa paparating na eleksyon. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here