MANILA, Philippines – Nag-courtesy call kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang mga opisyal ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Palasyo ng Malakanyang.
Mainit na tinanggap ni Pangulong Marcos si BJMP chief Director Ruel S. Rivera at 13 newly promoted chief superintendents at nagkaroon ng brief closed-door discussion sa mga opisyal ng BJMP.
Kabilang sa mga newly promoted chief superintendents sina Leonalyn O. Oloan, Clarence E. Mayangao, Faridah P. Ali, Loraintina M. Manengyao, Roy P. Valenzuela, Analiza P. Bides, Ronaldo M. Senoc, Kenneth A. Bid-ing, Elena B. Rocamora, Ferdinand D. Pontillo, Rufino M. Santiago Jr., Lorelina A. Mina, at Erwin Kenny P. Ronquillo.
Si Rivera ay nagsilbi bilang BJMP chief simula nang italaga siya ni Pangulong Marcos noong Hunyo 25, 2023.
Binigyang diin ng courtesy visit ang suporta ng administrasyon para sa ‘professional development’ at pagpapalakas sa liderato ng jail management system ng bansa.
Ang BJMP ay itinatag noong January 2, 1991, sa ilalim ng Republic Act 6975. (KRIS JOSE)