Home NATIONWIDE Mga nagpapakalat ng maling impormasyon, binalaan ni Speaker Dy

Mga nagpapakalat ng maling impormasyon, binalaan ni Speaker Dy

67
0

MANILA, Philippines – Nanawagan si House Speaker Faustino Dy na itigil na ang pagpapakalat ng “fake news” o maling impormasyon dahil hindi ito nakakatulong sa pagresolba sa mga problemang kinakaharap ng bansa.

Sa kanyang talumpati sa muling pagbubukas ng sesyon sa Kamara, iginiit ni Dy na ang maling impormasyon ay nagsisilbi lamang na hadlang sa mga tunay na solusyong ginagawa ng gobyerno.

“Sa mga nagtatanim ng pagdududa sa isip ng taumbayan, nakikiusap kami na itigil ninyo na ang pagpapakalat ng fake news dahil hindi ito nakakatulong sa pagresolba sa mga problema ng ating bayan,” pahayag ni Dy.

Tiniyak ng Speaker na ang mga miyembro ng Kamara ay mananatiling nakatutok sa kanilang mandato.

“Wala po kaming ibang hangarin kundi makapaglingkod, at gawin ang aming mga responsibilidad dito sa Kamara. Gagawin namin ang aming mandato at tungkulin nang makatarungan at tapat sapagkat naniniwala kaming walang anumang katumbas ang prinsipyo at dangal,” dagdag pa nito.

Binigyang-diin din ni Dy na ang bawat hakbang at desisyong ginagawa ng House of Representatives ay nakaangkla sa kapakanan ng publiko at sa kanilang konstitusyonal na tungkulin na isulong ang transparency at accountability sa pamahalaan. Gail Mendoza

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here