Home NATIONWIDE Mga paalala sa 358K civil service exam takers inilabas ng CSC

Mga paalala sa 358K civil service exam takers inilabas ng CSC

MANILA, Philippines – IPINALABAS ng Civil Service Commission (CSC) ang listahan ng mga testing centers at ipinaalala ang Career Service Examination – Pen and Paper Test (CSE-PPT) sa buong bansa sa darating na Agosto 11.

Kaya nga, hinikayat ni CSC Chairperson Karlo Nograles ang 358,651 candidates na kumuha ng Professional o Subprofessional Level exams na rebisahin ang Examination Advisory 11, s. 2024 at i- access ang kanilang designated school sa pamamagitan ng Online Notice of School Assignment (ONSA) na available sa CSC website.

“The CSC, along with dedicated teachers and volunteer government employees, is all set to administer the CSE across 95 testing centers in 16 regions nationwide. All exam takers aiming for civil service eligibility are encouraged to familiarize themselves with their assigned testing venue and pay attention to all provided reminders. This will help maximize their chances of success and ensure the exam is conducted smoothly,” ayon kay Nograles.

Ang mga examinees ay pinaalalahanan na pumunta sa testing venue ng hindi lalampas sa alas- 6:30 ng umaga o ‘as required by the CSC Regional/Field Offices.’

“The gates of testing venues will close to examinees at exactly 7:45 a.m. Those who will arrive late will not be admitted to take the exam.

The examination venues will strictly observe the “No ID, No Exam” policy. Examinees must present a valid ID card on examination day, preferably the same ID card presented during the filing of application. If the ID card is different from the ID card presented during the filing of the application, the examinee must present any of the accepted ID cards for the civil service exam,” ayon sa CSC.

Pinaalalahanan din ng CSC ang mga exam takers na hindi pinapayagn ang paggamit ng calculators sa CSE-PPT. Ipinagbabawal din ang paggamit ng kahit na anumang tulong para sagutan ang pagsusuri, gaya ng watch calculators, tablets, libro at iba pang materials o gadgets.

Mahigpit ding ipinagbabawal ang pagdadala ng test booklet sa labas ng testing room o venue. Hindi rin pinapayagan ang mga examinees na magdala ng electronic devices sa kanilang upuan gaya ng cellular phones, smartwatches, o iba pang gadgets na maaaring gamitin para kumuha ng audio o video recordings ng kahit na anumang bahagi ng test materials o exam process.

Ipinagbabawal din ang paggamit ng kahit na anumang papel, bahagi ng katawan, damit o side margins at back page ng Answer Sheet para sa scratch work.

Pinayuhan naman ang mga examinees na gumamit lamang ng ‘designated spaces’ sa paghina ng Test Booklet para sa anumang scratch work.

Hinikayat naman ang mga examinees na gumamit ng transparent bags para sa kanilang mga gamit, at magsuot ng angkop na kasuotan sa examination day, mas mabuti ayon sa CSC ay ‘whole shirts o tops.’ Ipinagbabawal ang sleeveless shirts o blouses, shorts, tokong pants, ripped jeans, at tsinelas. Kailangan din na nakatali ang mahabang buhok.

Sa kabilang dako, tanging itim na ball pen ang pinapayagan na gamitin para sagutan ang answer sheets. Hindi naman pinapayagan ang paggamit ng Gel pens, sign pens, fountain pens, friction pens, o anumang uri ng pen, kabilang na ang iba pang kulay.

Samantala, ang mga examinees na hindi ma-access ang kanilang ONSA ay pinapayuhan na direktang magtanong sa CSC Regional o Field Office na konsernado o tumawag sa Contact Center ng Bayan sa 0908-881-6565, o magbigay ng mensahe sa opisyal na CSC Facebook Page sa https://www.facebook.com/civilservicegovph/.

Ang kompletong listahan ng mga paalala, kabilang na ang lawak ng eksaminasyonay ay ay maaaring i-access mula sa CSC website na www.csc.gov.ph. Kris Jose