Home NATIONWIDE ‘Paihi’ ng langis ng sumadsad na barko sa Bataan tatalupan ng NBI

‘Paihi’ ng langis ng sumadsad na barko sa Bataan tatalupan ng NBI

96
0

MANILA, Philippines – Iniimbestigahan ng National Bureau of Investigation (NBI) sa umano’y oil smuggling ng mga crew ng MV Mirola 1 na sumadsad sa karagatan ng Mariveles, Bataan noong Hulyo 31.

Sa ulat, napag-alaman na ang barko ay walang kargang langis ngunit natuklasan na tinangka nitong umiwas sa mga awtoridad bago ito sumadsad.

Ayon kay PCG Bataan Station commander Lieutenant Commander Michael John Encina, base aniya sa impormasyon ay tumakas ang barko noong kasagsagan na masama ang panahon.

Ito aniya ngayon ang iniimbestigahan ng joint investigation team.

Samantala, nakikipagtulongan ang Philippine Coast Guard (PCG) sa US Coast Guard para ma-recover ang isa pang barko, ang MT Terranova sa Limay ,Bataan.

May kargang 1.4 bilyong litro ang tanker na nagdulot ng nakakabahalang banta sa kapaligiran.

Nagsagawa rin ng simulation ng oil siphoning mula sa lumubog na barko ang PCG at USCG at inilipat sa plastic container.

Nauna nang pinabulaanan ng may-ari ng barko na sila ay sangkot sa oil smuggling.

Samantala, ang recovery operations ng lumubog na MTKR Jason Bradley, sa labas ng bayan ng Mariveles, ay nagpapatuloy habang ang mga siphoning pipe ay nai-set up na.

Ayon kay Encina, hihigupin panahon ang mga sea water sa loob ng barko at kapag lumutang ay saka naman hihigupin ang 5,500 litro ng diesel oil sa MT Bradley. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here