Home NATIONWIDE Mga paliparan pinaghahanda ng DOTr sa Holy Week exodus sa kabila ng...

Mga paliparan pinaghahanda ng DOTr sa Holy Week exodus sa kabila ng sirit-presyo ng langis

175
0

MANILA, Philippines – Nakikipag-ugnayan ang Department of Transportation (DOTr) sa mga airline upang mapangasiwaan ang inaasahang pagdagsa ng mga biyahero sa Holy Week sa gitna ng tumataas na presyo ng langis at nagpapatuloy na tensyon sa Middle East.

Sa isang Palace briefing nitong Miyerkules, sinabi ni Transportation Secretary Giovanni Lopez na “still holding on” ang mga airline sa kabila ng pagmahal ng langis, habang naghahanap ng paraan ang pamahalaan upang hindi masyadong maapektuhan ang mga pasahero.

“Isa sa mga tinitignan namin sa CAAP, yung ating Aviation Authority, kung pwede ba namin ibaba yung mga ibang fees [like] landing fees, take-off fees, yung mga sa tingin namin na kaya naman namin i-adjust. I think that will ripple down dun naman sa airfare,” ani Lopez.

Dagdag niya, layunin ng hakbang na kahit paano ay mapanatiling stable ang pamasahe sa eroplano.

“At least ma-stabilize namin kahit papaano,” aniya.

Ayon kay Lopez, target ng DOTr na mailabas sa susunod na linggo ang recomputed airline fees, bagaman hindi pa niya matukoy ang eksaktong halaga.

Batay sa ulat ng Reuters, nagsimula na ring magtaas ng singil ang ilang airline sa Asia at Europe dahil sa pagmahal ng jet fuel at pagkaantala ng flight routes dulot ng tensyon sa Middle East.

Iniulat naman ng Air New Zealand na ang presyo ng jet fuel na dati’y nasa $85 hanggang $90 kada bariles ay umakyat na sa humigit-kumulang $150 hanggang $200 kada bariles. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here