Home NATIONWIDE Mga pampasaherong barko dumaan sa pagsusuri bago bumyahe – MARINA

Mga pampasaherong barko dumaan sa pagsusuri bago bumyahe – MARINA

MANILA, Philippines – Tiniyak ng Maritime Industry Authority o MARINA na ininspeksyon at dumadaan sa pagsusuri ang mga passenger vessel bago ito maglayag bilang standard operating procedure lalo na kapag Holiday Season.

Ayon kay MARINA Enforcement Service Director Engr. Ronald Bandalaria, nais nilang matiyak na lahat ng mga bumibiyaheng pampasaherong barko ay maayos ang ko diayon para sa kaligtasan ng mga mananakay.

Nagpaalala din ang MARINA sa mga shipping companies na sunduin ang itinakda ng bilang ng mga pasahero upang maiwasan ang overloading na nagiging sanhi ng aksidente.

Aminado naman ang MARINA na malaki ang kakulangan ng mga pampasaherong barko sa bansa at halos hindi kinakaya ang bugso ng mga pasahero kapag peak season .

Apela ng maritime Industry sa mga mananakay, planuhin maayos ang kanilang magiging biyahe upang hindi magdulot ng anumang pagkaantala at laging ligtas sa kanilang paglalakbay. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)