Home METRO Petisyon para sa pyansa ni ex-Bamban mayor Guo ibinasura ng korte

Petisyon para sa pyansa ni ex-Bamban mayor Guo ibinasura ng korte

MANILA, Philippines – Ibinasura ng Pasig Regional Trial Court ang hirit ni dating Bamban Tarlac Mayor Alice Guo na makapagpiyansa.

Sa resolusyon ng Pasig RTC 167, sinabi ni Presiding Jidge Anneilyn Medes-Cabelis na naipakita ng prosekusyon na matibay ang kanilang ebidensya sa bail hearing.

Kaugnay ito sa kasong Qualified Human trafficking sa compound ng POGO hub sa Tarlac na sinalakay noon ng mga otoridad.

Dahil dito, mananatili sa Pasig City Jail female dormitory si Guo.

Magugunita na sa isinagawang pagdinig nitong Oktubre sa petition for bail ni Guo, iprinisinta ng prosekusyon ang kahon-kahon na mga ebidensya laban kay Guo. RNT