Home NATIONWIDE Mga parak ipakakalat sa 3-day transport strike

Mga parak ipakakalat sa 3-day transport strike

94
0

MANILA, Philippines – Tiniyak ng Philippine National Police ang kaligtasan ng mga commuter at mga lalahok sa kilos-protesta sa tatlong araw na transport strike na itinakda mula Abril 15 hanggang 17.

Pangungunahan ng transport group na MANIBELA ang nationwide strike bilang tugon sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis.

Ayon sa PNP, magsasagawa ito ng estratehikong deployment ng mga pulis upang mapanatili ang kaayusan at makatulong sa mga pasaherong maaapektuhan ng tigil-pasada.

“Our personnel will be deployed not only to maintain peace and order but also to provide immediate assistance, including ‘Libreng Sakay,’ to those who will be inconvenienced by the strike,” ani Nartatez.

Binigyang-diin din ng pulisya na iginagalang nito ang karapatan sa mapayapang pagpoprotesta, ngunit mananatili itong nakaalerto laban sa posibleng panggigipit o abala sa mga driver at operator na hindi sasama sa welga.

Kasabay nito, naghahanda rin ang pamahalaan ng mga hakbang para sa transport assistance at karagdagang deployment upang mabawasan ang epekto ng kilos-protesta sa mga commuter. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here