MANILA, Philippines- Nasagip ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang mga pasahero at crew ng isang tourist boat sa baybayin ng Helicopter Island sa El Nido, Palawan.
Sakay ng Clark Kent 1 ang 25 pasahero at tatlong crew nang makaranas ng engine trouble ang naturang sasakyang-pandagat.
Nakatanggap umano ang Coast Guard Station (CGS) – Special Operations Unit (SOU) Northern Palawan ng incident report sa mga residente ng Barangay Maligaya upang magsagawa ng search and rescue (SAR) operations.
Nagbigay naman ng kaukulang tulong ang SAR team sa mga nasagip na pasahero at crew.
Nasa maayos na kondisyon na ang lahat ng nasagip na indibidwal na dumating sa El Niño Floating Dock. Jocelyn Tabangcura-Domenden