Home NATIONWIDE Mga Pilipinong mangingisda muling hinaras ng Chinese Coast Guard sa Sabina ShoalNATIONWIDETOP STORIES Mga Pilipinong mangingisda muling hinaras ng Chinese Coast Guard sa Sabina ShoalNovember 13, 2024 12:07 FacebookTwitterPinterestWhatsApp MANILA, Philippines – Muling nakaranas ng panggigipit ang mga mangingisdang Pinoy mula sa Palawan sa mga Chinese Coast Guard (CCG).Ilang mangingisdang Pinoy mula sa Palawan ang nakaranas ng harrasment sa kamay ng mga Chinese Coast Guard matapos silang magtungo sa Sabina Shoal.Sa pahayag ni PCG Task Force on West Philippine Sea Spokesman Commodore Jay Tarriela, naghain ng affidavit sa kanila ang mga mangingisdang Pinoy.Nangyari umano ang insidente noong Okt. 8, 2024 ngunit hindi agad ito naiparating sa PCG.Sa ulat ng lokal media ng Palawan, patungong Sabina Shoal ang mga mangingisda ng harangin ng speedboat ng CCG at pinagtabuyan papalayo.Bukod dito, ilang beses din silang jinarang at dinidikitan papalayo sa Sabina Shoal.Ipinarating na ng Philippine Coast Guard sa Department of Foreign Affairs ang pangyayari para sa kaukulang hakbang.(Jocelyn Tabangcura-Domenden)