Home NATIONWIDE Mga Pinoy poprotektahan ni PBBM sa bagong detention policy ng Tsina sa...

Mga Pinoy poprotektahan ni PBBM sa bagong detention policy ng Tsina sa SCS

MANILA, Philippines- Tinawag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nitong Sabado na “unacceptable” ang pagditene ng China sa matutukoy nitong “trespassers” sa South China Sea (SCS) at nangakong poprotektahan ang mga Pilipino.

Binigyang-awtoridad ng China ang Coast Guard nito na magditene ng umano’y mga manghihimasok sa katubigang inaangkin nito sa SCS, na saklaw ang West Philippine Sea.

“That kind of action would be completely unacceptable to the Philippines. We, of course, once again, I do not talk about the operational details so we will leave it to us. But the position that we take is that, that is unacceptable and we will take whatever measures to always protect our citizens,” pahayag ni Marcos sa isang ambush interview sa Makati City.

Kasunod ang bantang detensyon ng China ng pagsasagawa ng Atin To coalition ng civilian convoy nito sa Scarborough Shoal sa West Philippine Sea. RNT/SA