Home NATIONWIDE Mga Pinoy sa Amerika nag-panic buying sa ketchup, lechon sauce, bagoong ‘ban’

Mga Pinoy sa Amerika nag-panic buying sa ketchup, lechon sauce, bagoong ‘ban’

204
0

SEATTLE — Nagresulta sa panic buying sa mga Pilipino na nasa Amerika ang diumano’y ban na ipinataw sa banana ketchup, lechon sauce, at anchovy paste o bagoong mula sa Pilipinas.

Bunsod nito, ang mga Pilipino sa Seattle ay napilitang na mag-stock at mag-imbak, na nagresulta sa pagkasimot ng suplay sa mga istante ng tindahan.

Bilang paglilinaw, ang ban sa ketsup, lechon sauce, at bagoong ay hindi totoo pero isa itong Detention Without Physical Examination o DWPE kung saan ang mga produktong pinaniniwalaang naglalaman ng mga mapaminsalang sangkap ay pinigil na makapasok ng bansa.

Naglabas na rin ng import alerts para sa mga produkto mula sa ibang bansa at hindi lang sa Pilipinas.

Ang mga sangkap  na iniulat na ipinagbabawal na natagpuan sa mga produktong gawa sa Pilipinas ay kinabibilangan ng Benzoate, isang preservative na may negatibong epekto sa gut microbiome; BHA, isa pang preservative na may potensyal na carcinogenic; Potassium Iodate, isang pampalakas ng kuwarta na nakakasagabal sa mga function ng thyroid sa mataas na dosis; Sodium Benzoate, isa pang pang-imbak; at TBHQ.

Ang US Food and Drug Administration ay naglabas ng import alert No. 99-45 na inilathala noong Oktubre 25, 2024 sa mga produktong naglalaman ng hindi ligtas na food additives.

Maliban sa mga nakakapinsalang additives, naglabas din ng mga alerto sa pag-import laban sa mga bansang may maling tatak o maling label na mga produkto.

Ang kailangan lang gawin ng mga tagagawa ay baguhin ang mga sangkap para makabalik sila sa berdeng listahan. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here