Home NATIONWIDE Mga Pinoy sa Iran pinag-iingat sa gitna ng Iran-Israel tensions

Mga Pinoy sa Iran pinag-iingat sa gitna ng Iran-Israel tensions

MANILA, Philippines- Pinayuhan ng Philippine Embassy sa Iran nitong Biyernes ang mga Pilipino sa nasabing bansa na umiwas sa mga pampublikong lugar at sa mga pagtitipon.

“Avoid travelling to or visiting places where large public gatherings of political nature usually take place,” saad sa abiso.

Hinimok din nito ang mga Pilipino na manatiling updated sa pinakabagong balita sa gitna ng tensyon sa pagitan ng Iran at Israel.

Paalala ng embahada: “Be vigilant and mindful of your surroundings. Trust your instincts and avoid risky situations whenever possible.”

Sakaling may Pilipinong nanganganib, dapat itong ipagbigay-alam sa Filipino community group leaders at sa embahada, dagdag nito.

Maaaring ma-contact angPhilippine Embassy sa pamamagitan ng:

ATN hotline: +989122136801

Email: [email protected]

Facebook: /PHinIran

Instagram: /phliniran

Sumiklab ang tensyon sa pagitan ng dalawang bansa matapos atakihin ng Israel ang Iran nitong Biyernes.

Gumanti naman ang Iran sa paglulunsad ng missiles patungong Jerusalem at Tel Aviv nitong Biyernes ng gabi, base sa ulat. RNT/SA