Home IN PHOTOS Libreng Kapon at Ligate Program ng Villar Foundation umarangkada

Libreng Kapon at Ligate Program ng Villar Foundation umarangkada

MANILA, Philippines-Maagang dumating ang fur parents kasama ang kanilang mga alagang hayop upang makinabang sa Libreng Kapon at Ligate Program ng Villar Foundation.

Ang programang ito na pinangungunahan ni Senadora Cynthia Villar ay isinagawa sa pakikipagtulungan ng Philippine Veterinary Medical Association, Philippine Veterinary Drug and Nutrition Association, Pets Love Nature, at mga beterinaryo mula sa Parañaque.

Magkakaloob din ng libreng anti-rabies vaccine para sa isang daang (100) alagang hayop mula sa Las Piñas at mga kalapit na lugar ng Bacoor. Isa na naman itong hakbang tungo sa mas malusog at mas ligtas na mga komunidad—para sa mga tao at kanilang mga alaga. Cesar Morales