Home NATIONWIDE Mga Pinoy sa Israel-Iran tension handang iuwi at suportahan ng pamahalaan

Mga Pinoy sa Israel-Iran tension handang iuwi at suportahan ng pamahalaan

MANILA, Philippines – NAKAHANDA ang gobyerno ng Pilipinas na iuwi ng bansa ang mga Filipino mula Israel at Iran.

Sa isang panayam, sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na naghahanap ang gobyerno ng alternatibong ruta para sa ligtas na pagbabalik ng mga displaced Filipino mula sa dalawang Middle East countries.

“Ang naging problema natin sa pag evacuate sa kanila ay dahil sa giyera, maraming sarado na airport. Kaya’t naghahanap tayo ng ruta kung saan sila mailabas,” ayon kay Pangulong Marcos.

“But we have been able to do that and the first batch, in fact, (Department of Migrant Workers) Secretary Cacdac is already on his way to Jordan para ma-coordinate both the evacuees from Israel and evacuees from Iran,” aniya pa rin.

Tinuran pa ng Pangulo na ang repatriation ng mga apektadong Filipino ay hindi ‘mandatory.’

Sa kabila nito, patuloy namang mino-monitor ng gobyerno ang kanilang situwasyon at magbigay ng tulong sa mga nais na makauwi ng bansa.

“We of course are watching our nationals both in Israel and in Iran and as a matter of fact, we have already contacted all our nationals and asked them if they want to be evacuated,” ang sinabi pa ng Punong Ehekutibo.

“We generally leave it to each individual, to each family to decide for themselves whether or not they feel safe or whether or not they would like to be evacuated.” ang winika pa rin nito.

Ayon sa government data, tinatayang 92 overseas Filipinos ang nagparehistro para sa voluntary repatriation, 82 mula sa mga ito ay bago ang April 19 Iranian attacks at 10 higit pa pagkatapos.

Sa kabilang dako, tanggap ni Pangulong Marcos na isang “serious problem.” ang epekto ng nagpapatuloy na Middle East crisis sa presyo ng langis.

Sinabi pa rin ng Pangulo na ang gobyerno ay magbibigay ng tulong sa mga apektadong stakeholders.

“Well, again, we are starting already with the assumption that the oil prices will in fact go up and I cannot see how it will not. Because the Strait of Hormuz will then be blocked if it escalates. The oil cannot come out of its sources. So, the prices will certainly be affected,” aniya pa rin.

“The subsidies that we have always given, fuel subsidies that we gave to, if you remember during the pandemic, lalong-lalong na ‘yung mga napapasada, ‘yung mga may hanapbuhay naman sila, binigyan nating fuel subsidies. Now, we will have to do the same for those who are severely affected stakeholders by any instability in the price of oil,” ang pahayag ni Pangulong Marcos. Kris Jose