Home NATIONWIDE Mga produktong agrikultural ng Davao, iniluwas sa Saudi Arabia

Mga produktong agrikultural ng Davao, iniluwas sa Saudi Arabia

1
0

MANILA, Philippines – Matapos ang matagumpay na kalakalan sa Dubai nakarating na ang sariwang produkto na naipadala sa Saudi Arabia at nag-aalok ng isa pang halimbawa kung paanong ang promosyon sa export ay maaring maging mga  bagong merkado, mas mataas na kita, at bagong oportunidad para sa agrikultura ng Pilipinas.

Pinangunahan kamakailan ng Department of Agriculture Regional Field Office XI  ang pagpapadala ng 17.2 metriko tonelada ng Cardava bananas,  kamote, at singkamas (turnip) sa Jeddah,  hudyat ng komersiyal na tagumpay para sa agribusiness sector ng  Davao region at pagpaalakas ng gobyerno na mapalawak ang agricultural exports ng bansa.

Ayon sa Department of Agriculture (DA) ang kargamento  na nagkakahalaga ng P800,000, ay naglalaman ng 1,350 boxes ng Cardava bananas  na tumitimbang ng 12 kilo kada isa, 50 boxes ng kamote at 50 boxes ng singkamas na tumitimbang ng 10 kilo bawat isa. Inexport ito ng Gerb Golden Hands Corp. ng Sto. Tomas, Davao del Norte,  ang produkto ay patungo sa Rana Mohammad Saleem Commercial LLC sa Jeddah.

Ang oportunidad sa export ay nagsimula sa AGRA Middle East Exhibition 2024 na ginanap sa Dubai World Trade Centre, kung saan ipinakita ng Department of Agriculture Regional Field Office XI at Gerb Goldem Hands ang mga produktong Agrikultura ng Davao  sa international buyers.

Nabatid na  nagsimula bilang usapang negosyo sa ginanap na  exhibition ay nagkaroon ng kaganapan bilang commercial shipment, patunay na resulta ng pagsusulong ng Department of Agriculture na ikunekta ang mga Filipino producers direkta  sa mga buyer sa ibang bansa.

Sinabi ni Regional Executive Director Macario D. Gonzaga  na ang shipment ay pagpapakita na ang napapanatiling pamumuhunan sa export  promotion  ay panimula upang makakuha ng konkretong resulta para sa mga magsasaka at agribusinesses sa buong rehiyon.

“Ang shipment na ito ay patunay na ang ating partisipasyon sa international trade exhibition ay hindi lang para sa promosyon. Nagbubunga ito ng tunay na mga oportunidad sa merkado para sa ating mga magsasaka at exporters. Bawat matagumpay na shipment ay nagpapalakas sa reputasyon ng Davao bilang maaasahang pinagkukunan ng de kalidad na produktong agrikultural at bukas ang pintuan para sa mas napapanatiling oportunidad sa export,” ani Gonzaga.

Kaugnay nito sinabi ni Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel Jr. na ang pagpapalawak ng merkado  sa ibang bansa ay naging pangunahing istratehiya para mapalakas ang agrikultura ng Pilipinas at mabawasan ang agricultural trade deficit ng bansa, na lumagpas ba sa USD11 billion kada taon sa mga  nakalipas na taon.

“Bawat bagong export market na ating nabuksan  ay nagbibigay ng mga oportunidad para sa ating mga  Pilipinong magsasaka na kumita ng higit pa mula sa kanilang pananim sa halip  na hayaang makinabang ang producers sa ibang bansa. Ang pagpapalawak sa agricultural exports ay nakakatulong na mapaliit ang ating trade deficit, at mahikayat ang pamumhunan sa modernong pagsasaka at logistics, lilikha ng mga trabaho sa kanayunan at magtatatag ng mas makumpetensiyang sector ng agrikultura na magsusulong ng pangmatagalang paglago ng ekonomiya,” ani Tiu Laurel. (Santi Celario)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here