Home NATIONWIDE Testimonya ni COA auditor Wamil sa impeachment court, nagpatibay sa kaso VS...

Testimonya ni COA auditor Wamil sa impeachment court, nagpatibay sa kaso VS VP Sara – Barbers

1
0

MANILA, Philippines – Para kay House prosecution panel adviser at spokesperson Ace Barbers, ang naging testimonya sa impeachment court ni dating Commission on Audit (COA) Auditor Roderick Wamil ay nagpatibay sa kasong iprinisinta ng prosekusyon sa ilalim ng Article 1 na inabuso ni Vice President Sara Duterte ang paggamit ng  ₱612.5 milyon confidential funds na inilaan sa Office of the Vice President (OVP) at Department of Education (DepEd).

Ayon kay Barbers, malinaw ang COA rules na bagamat maaaring manatiling lihim ang mga tiyak na layunin ng mga operasyon ng confidential fund bilang bahagi ng seguridad,  ang paraan ng paggasta at dokumentadong liquidation ng mga gastusin ay dapat sundin alinsunud sa batas.

“Government-allotted confidential funds may be confidential as to their purpose, but their utilization, transactions and liquidation must still comply with COA rules,” ani Barbers.

Sa naganap na paglilitis, ipinaliwanag ni Wamil ang pagkakaiba ng confidential activities at ng pagbili ng mga item gamit ang confidential funds.

“Ang confidential po mismo ay yung paggagamitan, hindi yung pagbibilhan. Magkaibang bagay po kasi iyon,” paliwanag ni Wamil sa impeachment court.

Ayon kay Barbers, malinaw sa testimonya ni Wamil na natuklasan ng mga state auditor ang mga gap sa mga dokumentong sumusuporta sa  ₱612.5 milyon pondo kabilang ang mga acknowledgment receipt at iba pang rekord ng liquidation.

Binigyang-diin ni Barbers na sinabi ni Wamil na ang confidential funds ay maaari lamang gastusin para sa mga layuning awtorisado sa ilalim ng mga umiiral na patakaran, at upang patunayan ito ay dapat may mga dokumentong ebidensya na isinumite sa COA.

Tiniyak i ni Barbers na magpapatuloy ang House prosecution panel sa paghahain ng mga dokumentaryong ebidensya at patotoo ng mga saksi upang suportahan ang kanilang kaso sa harap ng Senate impeachment court. Gail Mendoza

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here