Home NATIONWIDE Mga pulitiko, opisyal ng gobyerno na isinasagkot sa flood control mess, pinayuhang...

Mga pulitiko, opisyal ng gobyerno na isinasagkot sa flood control mess, pinayuhang magleave

269
0

MANILA, Philippines – Nanawagan ang isang labor group sa mga miyembro ng Kamara at Senado gayundin sa iba pang opisyal ng gobyerno na tinurongtumanggap ng kickback sa flood control projects na magleave of absence muna o umalis sa kanilang pwesto upang bigyang daan ang patas na imbestigasyon.

“Hindi lamang dapat hindi sumali sa imbestigasyon ang mga pinangalanang Senators at Congressmen. Kasama na si dating Speaker Martin Romualdez, at dating Senate President Chiz Escudero, silang lahat ay dapat na mag voluntary leave of absence.”  ayon sa Philippine Trade and General Workers Organization (PTGWO).

“Kung sa hanay ng mga ordinaryong mga manggagawa, mayroong preventive suspension sa mga nagkasala, upang hindi maimpluwensyahan ang imbestigasyon sa kanila, lalo pa dapat sa mga matataas na opisyal na ito. Napaka-ironic naman kasi na ang mga taga DPWH ay pinagresign, gaya ni Secretary Manuel Bonoan, or agarang tinanggal sa trabaho, gaya ng mababang opisyal at empleyado ng DPWH Bulacan Office. Kailangang mag leave of absence ang mga senador at congressmen na inaakusahan na kasali daw dito upang ang publiko ay makumbinsi na mayroong malinis, transparent at impartial na imbestigasyon.”, giit pa nito.

Ang PTGWO, pinakamalaking labor group sa bansa ay dadalo sa isasagawang indignation rally sa Setyembre 21.

“We are calling on all of our members, our workers toiling day in and out, to join the expected millions of Filipinos who will join the rallies condemning the massive corruption in the anomalous billion flood control projects. With our show of force, we will send our plain and unmistakable  message, which is for the gross and unabated corruption in public works and all government projects to stop.”, pahayav ni Atty. Arnel Dolendo, National President ng PTGWO.

Muli din iginiit  ng grupo na itigil na ng Senado at Kamara ang isinasagawang imbestigasyon sa flood control at ipaubaya ito sa Independent Commission for Infrastructure (ICI)

“Diretso na tinuro ng mga inimbitang mga resource persons sa Senado at Kongreso at inakusahan ang ilang mga myembro nito na may kinalaman sa anomalya sa flood control. Napakasagwa panoorin na ang nag-iimbestiga ay yung mga taong naakusa at syang dapat imbestigahan. Napaka-basic nun. Mag-inhibit na sila. Konting delicadeza naman. Hayaan na nila ang ICI ang mag-imbestiga.” giit pa nito. /Gail Mendoza

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here