Home NATIONWIDE Mga residente ng 2 isla sa SoKor malapit sa border ng NoKor,...

Mga residente ng 2 isla sa SoKor malapit sa border ng NoKor, inilikas

MANILA, Philippines – Nagpakawala ang North Korea ng mahigit 200 artillery rounds sa dagat malapit sa maritime border ng South Korea nitong Biyernes, Enero 5.

Ang mga residente ng dalawang isla sa South Korea ay inilikas dahil sa “unknown situation.”

Hindi kinumpirma ng defense ministry kung ang kautusan ay dahil sa artillery firing ng North Korea o South Korean drills.

Sa kabila nito, sa text message na ipinadala sa mga residente at pagkumpirma ng island official na isasagawa ang “naval fire” ng South Korean troops mula alas-3 ng hapon ng Biyernes.

Ayon sa opisyal ng Yeonpyeong island na matatagpuan sa timog ng disputed Northern Limit Line (NLL) sea border, ipinag-utos ang evacuation sa hiling ng South Korean military.

Wala namang naitalang pinsala ang artillery firing ng North Korea.

“This is an act of provocation that escalates tension and threatens peace on the Korean peninsula,” sinabi ng tagapagsalita ng South Korean Joint Chiefs of Staff.

Inilikas din ang mga residente ng Baengnyeong island na nasa kanluran ng Yeonpyeong at malapit din sa sea border.

Noong 2010, nagresulta ang artillery firing ng North Korea sa pagkasawi ng apat katao sa Yeonpyeong island, kabilang ang dalawang sibilyan. RNT/JGC