Home ENTERTAINMENT MMFF, extended ng 1 week?

MMFF, extended ng 1 week?

Manila, Philippines – May posibilidad na ma-extend ang commercial run ng lahat ng opisyal na kalahok sa Metro Manila Film Festival.

Ito ngayon ang agenda na uupuan ng ExeCom o executive committee ng MMFF.

Karaniwang nagsisimula sa mismong araw ng Kapaskuhan ang MMFF.

It ends on January 7.

Pero mukhang ihihirit ng ExeCom na i-extend ito for another week.

Simple lang ang dahilan: maganda ang kinita ng nakaraang festival.

Sa katunayan, nahigitan pa nito ang gross receipts na naitala noong 2022.

Five hundred million pesos umabot ang kinita nito mula sa walong official entries.

As of January 1, Monday ay umabot na sa mahigit 600M ang kinita ng sampung kalahok.

Kaya naman ang isinisigaw ng pamunuan ng MMFF: Limang milyong pasasalamat sa mga tumangkilik ng pelikulang Pilipino.

Of the 10 entries, consistent sa pagiging Number 1 ang Rewind ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Umusad naman ang box office take ng Gomburza at Firefly.

Ang Gomburza ni Pepe Diokno ang tinanghal na 2nd Best Picture.

Best Picture naman ang Firefly ni Zig Dulay mula sa GMA Public Affairs.

Incidentally, idaraos ang kauna-unahang Manila International Film Festival sa Amerika sa late Janua hanggang early February.

Lalahukan ito ng sampung official entries ng nagdaang MMFF.

Balita ring sasagutin ng MMDA ang gastos ng mga artistang kakatawan sa kanilang mga pelikula.

In her radio interview on DZRH, nagpauna na si Vilma Santos that she cannot make it.

Ang pelikula ni Vilma na When I Met You in Tokyo with her quintessential screen partner Christopher de Leon was adjudged 4th Best Picture.

Si Vilma naman ang tinanghal na Best Actress sa Gabi ng Parangal noong December 27 last year. Ronnie Carrasco III

Previous articleJanno, nanupalpal ng netizen!
Next articleMga residente ng 2 isla sa SoKor malapit sa border ng NoKor, inilikas