Home ENTERTAINMENT Janno, nanupalpal ng netizen!

Janno, nanupalpal ng netizen!

Manila, Philippines – Not because one was in a

celebratory mood over the holidays ay masaya na ito sa pagkawala ng isang mahal sa buhay.

Ganito ang gustong ipaunawa ni Janno Gibbs sa isang maepal na netizen.

Sa Japan kasi napiling salubungin ng singer-comedian ang Bagong Taon.

Ipinost ni Janno ang ilang larawan sa kanyang Instagram account.

Marami naman ang masaya para kay Janno sa kabila ng pagkawala ng kanyang ama na si Ronaldo Valdez.

Natagpuang wala nang buhay ang veteran actor sa silid ng kanyang tahanan noong December 17.

May handle na @miagison ang IG user, nagkomento ito na obyus na ikinapanting ng tenga ni Janno.

Comment nito: “Your dad just passed away…”

Na sinagot ni Janno ng: “| know and?”

Hirit uli ng netizen, hindi raw siya nanghuhusga pero tila hindi mababakas ang dapat sana’y kalungkutang nararamdaman ni Janno.

Short of saying na nakuha pa raw magsaya ang aktor sa kabila ng trahedya.

Hindi naman ito pinalampas ni Janno who replied: “You’re judging! Shame on you!”

Nakahanap naman ng mga kakampi si Janno na sama-samang kinuyog ang epal na netizen.

One of Janno’s IG defenders posted: “People grieve differently!”

Still another pointed out na ano raw ba ang gusto nitong mangyari kay Janno, ang magpakalugmok?

Life goes on, pahabol pa nitong katwiran.

Obyus na ang gustong makita ng epal na netizen ay isang devastated Janno Gibbs na hindi maka-recover sa sinapit ng ama.

Nabanggit na ni Janno kung gaano niya nami-miss ang namayapang ama.

Sayang nga lang at hindi na mapapanood ng beteranong aktor ang directorial debut ng kanyang anak na kabilang din siya sa cast.

To top it all, may batas bang nagsasabi kung paano dapat ipagluksa ang nawalang mahal sa buhay? Ronnie Carrasco III

Previous articlePacquiao vs Mayweather rematch, minaliit ni McGregor
Next articleMMFF, extended ng 1 week?