Home NATIONWIDE Mga sangkot sa ‘white paper’ kakasuhan ng Comelec

Mga sangkot sa ‘white paper’ kakasuhan ng Comelec

97
0

MANILA, Philippines – Pinag-iisipan ngayon ni Comelec Chairman George Garcia na magsampa ng mga kasong criminal laban sa mga indibidwal sa likod ng “white paper” na di-umano ay naglista ng mga bank account kung saan siya umano ay tumanggap ng suhol mula sa isang South Korean firm.

Itinanggi ni Garcia ang dokumento bilang fake at idinagdag na inisyal na naglalaman lamang ng mga offshore account ngunit ngayon ay may kasama na hindi bababa sa pitong local banks.

Sinabi rin ng poll chief na maglalaban din siya ng waivers pati ang supplemental affidavit of denial sa National Bureau of Investigation (NBI) at sa Anti-Money laundering Council (AMLC) upang magbukas ng imbestigasyon sa umano’y bank accounts.

Ayon kay Garcia, ang natanggap niyang dokumento ay galing sa iisang source o iisang tao kung saan pare-parehas ang font.

Aniya, kung galing sa iba’t-ibang bangko, dapat magkakaiba at meron pang logo ng bangko.

“Ibig sabihin, iyan ay fake, spurious at falsified documents,” saad ni Garcia.

Ang liham na naglalaman ng umano’y 14 offshore bank accounts ni Garcia sa Bahamas ay isinumite sa Comelec main Office sa Intramuros, Manila.

Sinabi ni Garcia na kung mapatunayang mali ay personal siyang magsasampa ng mga kaso para sa falsification of public document laban sa mga indibidwal sa likod ng tinatawag na white paper. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here