MANILA, Philippines- Kasunod ng nakakagulat na partial results ng 2025 Philippine elections, iginiit ng public opinion pollster na OCTA Research Group nitong Martes na ang mga survey ay mayroong margin of error at hindi na nahuhulaan ang aktuwal na election outcomes.
“Surveys are not a crystal ball. They are not a guarantee and they are really just a snapshot of that particular time,” pahayag ni OCTA Research fellow Ranjit Rye sa isang panayam.
Samantala, sinabi ni Social Weather Stations (SWS) chair emeritus Dr. Mahar Mangahas na ipinakikita ng mga resulta na “anything can change.”
“Ang attitude ko, we just learn as we go along. So now, we know how much things can change at the last minute. Ganoon lang,” aniya nang tanungin ukol sa mga botong nakuha ni dating Senator Bam Aquino.
Bagama’t kahit kailan ay hindi siya napasama sa top three, pasok si Aquino sa top 12 ng senatorial surveys ng OCTA.
Inihayag ni Rye na nagpapakita ang resulta na ang Filipino voters ay hindi “bobotante.”
“Ako iniisip ko lang, anong mga bagong questions ang dapat gawin sa susunod na survey para i-clarify ang lahat ng ito. Kagaya ng, kailan ka ba nag-decide? That will be one of the questions that I will do,” ayon naman kay Mangahas. RNT/SA