Home NATIONWIDE Mga sibilyan pinayagan ng PNP na magkaroon ng semi-automatic rifle

Mga sibilyan pinayagan ng PNP na magkaroon ng semi-automatic rifle

MANILA, Philippines – Papayagan na ang mga sibilyan na magmay-ari ng semi-automatic rifle, sinabi ni Philippine National Police (PNP) spokesperson Police Colonel Jean Fajardo nitong Lunes, Marso 4.

Ayon kay Fajardo, nagsagawa ng minor amendments ang PNP sa
implementing rules and regulations (IRR) ng Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

“Sa ngayon po, ‘yung mga private citizens na nagmamay-ari ng riple, particularly ‘yung 7.62 pababa at ‘yung kanilang mga baril po ay mayroon pong classification po ng semi-automatic, ay puwede na pong palisensyahan ng sibilyan,” pahayag ni Fajardo sa press briefing.

“Yun po ‘yung particular provisions po na pupuwede na pong magmay-ari po ang sinuman pong sibilyan ng 7.62, ‘yun po ‘yung M14 pababa basta po ‘yung baril na iyun ay hindi automatic,” dagdag niya.

Kamakailan ay lumikha ang PNP ng technical working group para amyendahan ang ilang probisyon ng IRR ng Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Ani Fajardo, ang amendment ay ipinasa sa UP Law Center for publication.

Ito ay magiging epektibo 15 araw matapos ang publikasyon. RNT/JGC

Previous articleJail Integration bill aprub sa Senado
Next article17 miyembro ng Budol-budol gang nambudol ng sabon, nadakma sa Bulacan