Home NATIONWIDE Mga suspek sa pamamaslang sa babaeng pulis kinasuhan na

Mga suspek sa pamamaslang sa babaeng pulis kinasuhan na

232
0

MANILA, Philippines – Kinasuhan na ng 2 counts ng robbery with homicide sa Quezon City Prosecutors Office ang tatlong suspek sa pagpatay sa isang babaeng pulis at sa kanyang walong taong gulang na anak matapos sampahan ng kaso ng QC Police District ang mga akusado.

Isinailalim na sa inquest proceedings ang tatlong suspek sa pagpatay kay Police Senior Master Sgt Diane Marie Mollenido at sa walong taong gulang na anak na si John Ysmael.

Dinala ang tatlo ng QCPD Criminal Investigation and Detection Unit QC Prosecutors office upang isailalim sa inquest proceeding.

Dalawang kaso ng robbery with homicide ang isinampang kaso ng Quezon City Police District sa QC Prosecutor’s Office.

Sa kanyang pagharap sa media, inginuso ng isa sa mga nadakip na suspek na si Gil sina Pia Katrina at ang mister nito na si Christian na sila umanong mastermind sa karumal-dumal na krimen.

Isiniwalat ni Gil na ipinatawag siya ng mag-asawa noong gabi ng Enero 16.

Aniya, inakala niya noong una na mayroong iuutos sa kanya, pero kalaunan ay sinabihan siya ng lalaking suspek na siya ay magbantay sa garahe ng bahay.

Pagkatapos umano ng ilang minuto ay pumasok na ang babaeng itinuturo niyang mastermind kasama ang babaeng biktima.

Pagkalipas umano ng ilang oras ay nakarinig siya ng malakas na putok mula sa putok ng baril at nakita na nakahandusay ang mga biktima. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here