Home NATIONWIDE Mga taga-Negros pinaaalerto sa pagliligalig ng Kanlaon

Mga taga-Negros pinaaalerto sa pagliligalig ng Kanlaon

201
0

BACOLOD CITY – Nagpahayag ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ng paalala sa mga residente ng Negros Island na manatiling alerto matapos makapagtala ng hindi bababa sa 45 volcano-tectonic earthquakes ang Kanlaon Volcano.

Ayon sa Phivolcs, may lakas mula 0.6 hanggang 3.9 ang mga lindol na naganap mula hatinggabi hanggang hating-umaga sa lalim na 0 hanggang 13 kilometro sa hilagang-kanlurang bahagi ng bulkan. Ang epicenter ay nasa pagitan ng mga lungsod ng La Carlota at Bago, na posibleng sanhi ng paggalaw ng magma.

Ani Mari-Andylene Quintia, science research specialist ng Kanlaon Volcano Observatory: “We advise the public to remain vigilant since Kanlaon Volcano remains under Alert Level 2. Under this alert level, we can expect explosive eruptions like what happened on June 3 and Dec. 9, 2024 and May 2025.”

Iniulat ng Phivolcs na naramdaman ang pinakamalakas na lindol sa Intensities I hanggang IV sa La Carlota City, Bacolod City, at Canlaon City. “Volcano-tectonic earthquakes are generated by rock fracturing processes and the increase in (such) activity strongly indicates progressive rock-fracturing beneath the volcano as rising magma or magmatic gas drives a path towards the surface,” dagdag pa nito.

Ang sulfur dioxide emissions mula sa summit crater ng Kanlaon noong Enero 13 ay umabot sa 1,248 tonelada kada araw, malapit sa medium-term average na 1,767 tonelada mula Enero 1, ngunit umabot sa 4,126 tonelada noong Enero 9. Ayon sa Phivolcs, ipinapakita nito na may bagong paglusong ng magma na maaaring magdulot ng katamtamang pagsabog.

Ang mga lindol ay naitala ilang araw matapos makapagtala ang Phivolcs ng serye ng ash emissions mula sa Kanlaon sa simula ng buwan. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here