Home NATIONWIDE Mga taga-suporta ni Digong patuloy sa paghirit ng kanyang kalayaan

Mga taga-suporta ni Digong patuloy sa paghirit ng kanyang kalayaan

MANILA, Philippines- Patuloy ang kampanya ng mga taga-suporta ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na palayin ito nitong Sabado, sa pagtitipon nila sa harap ng International Criminal Court (ICC) detention facility sa The Hague.

Nagmula ang mga taga-suporta sa iba’t ibang bahagi ng Europe, kabilang ang Norway at Germany.

Dumoble pa ang pagtitipon sa pagdiriwang ng ika-80 kaarawan ni Duterte.

Alas-10 pa lamang ng umaga, makikita na si dating Justice Secretary Silvestre Bello kasama ang mga taga-suporta. Kinumpirma niyang dumating siya sa The Hague noong Sabado ng umaga at kumuha ng appointment para mabisita ang dating presidente.

Sa event, nagtalumpati sina Atty. Harry Roque at Senator Robin Padilla.

Nakaditine si Duterte sa ICC para sa paglilitis ng mga kasong kinahaharap niya kaugnay ng kanyang “war on drugs” kung saan libo-libo ang napatay. RNT/SA