Home NATIONWIDE Mga tauhan ng BI na tumulong para makaalis si Guo, pananagutin ni...

Mga tauhan ng BI na tumulong para makaalis si Guo, pananagutin ni Remulla

MANILA, Philippines – Nagbabala si Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” C. Remulla na papatawan ng parusa ang mapapatunayan na sangkot o tumulong sa pagtakas ni dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

Ss isang kalatas, sinabi ni Remulla na dapat nang lumantad at umamin ang sinumang taga-Bureau of Immigration (BI) na tumulong para makatakas si Guo.

Iniutos na ni Remulla ang malalimang imbestigasyon sa pagpuslit ni Guo at tiniyak na ipapataw ang buong puwersa ng batas sa lalabas na may kinalaman sa insidente.

Sinabihan ng kalihim si Bureau of Immigration (BI) Commissioner Norman Tansingco na agad magsumite ng report.

“As civil servants, we have sworn to the country our unwavering integrity, transparency and accountability in all our actions and decisions. Hence, I am issuing this final warning against erring BI personnel who may have had a participation in the escape of Guo despite strict restrictions imposed by our government, it’s either you come out and unveil the truth or wait until I personally get to the bottom of this where heads will roll and all hell will break loose,” giit ng kalihim.

Pinaiimbistigahan din ng kalihim ang mga abugado ni Guo sa posibilidad na may kinalaman kaya nakalabas ng bansa ang kliyente.

“Let me reiterate that as much as lawyers have an obligation to protect the interests of their clients, they also have a broader responsibility to uphold the Rule of Law and safeguard public interest.”

Nitong Hulyo, inilagay sa Immigration Lookout Bulletin (ILBO) ang pangalan na “Alice Guo at Guo Hua Ping” upang mamonitor kung may tangka itong lumabas ng bansa.

Sa kabila ng ILBO, nakalabas pa rin ng bansa si Guo kasama ang mga kapatid na sina Sheila at Wesley Guo. TERESA TAVARES