Home NATIONWIDE Micro-loans sa gov’t workers inilunsad ng GSIS

Micro-loans sa gov’t workers inilunsad ng GSIS

173
0

MANILA, Philippines – Inilunsad ng Government Service Insurance System (GSIS) ang micro-loan program na layong magbigay ng flexible at short to medium term cash assistance sa mga empleyado ng gobyerno.

Sa kalatas, sinabi ng GSIS na inilunsad nito ang “Ginhawa Go,” na tinukoy bilang “loan on the go” program.

Sa ilalim ng Ginhawa Go, ang mga miyembro ay maaaring makapangutang ng P1,000, P2,000, P3,000, o P4,000, na mababayaran ng 30, 60, o 90 araw.

Para sa mas mataas na loan needs, maaari ring makautang ang mga miyembro ng P5,000 hanggang P50,000, na may repayment periods na 3, 6, 12, 18, o 24 months.

Ang loan ay bukas sa mga miyembro na may isang buwan ng paid premium contributions at magagawa sa pamamagitan ng GSIS Touch mobile application.

Sinabi ng GSIS na ang loan proceeds ay maki-credit sa account ng miyembro matapos aprubahan ng Agency Authorized Officer (AAO).

Nakatakda naman sa 6% per annum ang interest rate sa ilalim ng programa para sa regular members na may tatlong taon ng paid premium contributions, at ang special members ay sakop naman sa 7% per annum.

Ang programa ay sakop ng Loan Redemption Insurance (LRI) na nagsisigurong ang anumang remaining balance ay mababayaran bago pumanaw ang borrower, na nag-iiwas na maipasa ang financial burden sa naiwang pamilya nito.

Inaasahang makikinabang sa programa ang newly hired employees, low-income earners, at mga miyembro na may limited borrowing history na ang pangangailangan ay hindi matugunan ng traditional loan products na may mahabang repayment periods. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here