Home NATIONWIDE Mike Defensor: Testimonya pinababawi kay Orly Guteza

Mike Defensor: Testimonya pinababawi kay Orly Guteza

326
0

MANILA, Philippines – Sinabi ni dating Anakalusagan party-list representative Mike Defensor nitong Miyerkules, Nobyembre 19 na si Orly Guteza, surprise witness sa imbestigasyon ng Senado sa maanomalyang flood control projects, ay inutusang bawiin ang testimonya na nag-uugnay kay dating Speaker Martin Romualdez sa korapsyon.

Sinabi ni Defensor na na-pressure si Guteza na bawiin ang kanyang pahayag.

“Talagang nangyari na napa-recant nila, pinapirma na nila ng ibang affidavit si Guteza,” ani Defensor.

Ayon pa sa dating mambabatas, mayroong video umano ni Guteza na nagsasabing inalok siya ng pera nina Defensor at Senador Rodante Marcoleta kasabay ng pagbawi sa kanyang unang testimonya, at pagtanggi na inihatid niya ang pera kay Romualdez.

Matatandaan na noong Setyembre ay sinabi ni Guteza na personal niyang inihatid ang mga maleta ng pera sa tirahan nina Co at Romualdez.

Samantala, sinabi ni Defensor na hindi niya alam kung nasaan si Guteza.

“Ang nangyari sa ngayon, nagpapaabot lang ng mensahe ‘yung pamilya. Pero as of now, matapos lumabas si Zaldy Co, doon sa part two niya, ‘yung nagsasabi siya na ‘yung sinasabi niya totoo ‘yung… ni Guteza, magmula doon hindi na namin alam saan siya nagpunta, mukhang nawala na naman, itinago na naman,” dagdag pa nito. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here