Home NATIONWIDE PBBM suportado ng grupo ng mga mayor sa kabila ng panawagan ng...

PBBM suportado ng grupo ng mga mayor sa kabila ng panawagan ng resignation

351
0

MANILA, Philippines – Nagpahayag ng suporta ang League of Cities of the Philippines (LCP), na binubuo ng 149 mayor sa buong bansa, para kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kabila ng panawagan ng ibang mga tao na magbitiw na ito sa pwesto.

“The League of Cities of the Philippines (LCP) reiterates its full support for the leadership of His Excellency Ferdinand R. Marcos, Jr., being the duly constitutionally elected President of the Republic of the Philippines,” saad sa pahayag ng LCP.

“We stand behind his commitment to further empower LGUs in advancing public infrastructure, education, and health services, while upholding transparency and accountability in public governance,” dagdag pa ng grupo.

Ayon sa grupo, patuloy nilang ipapantay sa inisyatibo ni Marcos ang kanilang mga gagawin.

Matatandaan na sa mga nakalipas na araw ay nananawagan ng transparency at accountability ang mga lumahok sa kilos-protesta, kasabay ng panawagan na bumaba na ang pangulo sa posisyon. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here