Home TOP STORIES Mikee Romero nasungkit ang Outstanding Humanitarian Award sa PH Choice Award 2025

Mikee Romero nasungkit ang Outstanding Humanitarian Award sa PH Choice Award 2025

312
0

Bagaman natapos na ang termino sa Kongreso. Nagawa pa din ng dating House Senior Deputy Speaker at former Rep. Michael Odylon L. Romero o Cong. Mikee sa nakakaraming natulungan na mabigyan pa din ng isang prestisyosong award kahapon.

Dahil sa angkin na kabutihan ng puso, inumin ng dating mambabatas na si Mikee Romero ang parangal bilang Outstanding Humanitarian and Community Service 2025 sa ginanap ng Philippines Choice Award kagabi, Biernes, sa Manila Hotel, Manila.

“Salamat sa karangalan na ito. Ako po ay nagpapasalamat at kasabay nito ay ang patuloy sa pagtupad sa aking mga pangaral. Ito ay ang patuloy makatulong sa makakayanan sa ating mga kababayan at bansa,” pahayag ni Romero, na dating mambabatas ng 1Pacman Party-list.

Kahit natapos ang termino, lagi pa din laman ng pahayagan lalo na sa social media si Romero dahil sa patuloy na makikita ang pagtulong nito. Partikular na sa mga sakuna saan mang sulok ng bansa. Kagaya na lang na agarang tulong nito na ginawa sa Cebu na tinamaan ng malakas ng lindol kamakailan.

Bukod si pagiging isa sa pinaka masipag at pinak-marami na nagawang panukalang batas at maging batas na ngayon ang pinakikinabangan ng maralita sa panahon ng pagiging mambabatas, ito din ay naging full-pledged Colonel reservist kamakailan. Patunay na wagas ang pagmamahal sa mamamayan at bansa ito man ay isang ordinaryong mamamayan na lamang. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here