Home METRO Driver ng van utas sa sementadong bakod

Driver ng van utas sa sementadong bakod

296
0

ILOCOS NORTE, Philippines – Hindi nakaligtas sa kalawit ni Kamatayan ang isang 55-anyos na lalaki  matapos bumangga sa concrete fence ang minamaneho nitong van sa bayan ng Pagudpud ng lalawigang ito kahapon ng umaga.

Ayon sa Pagudpud Municipal Police Station, ang biktima ay isang construction worker, residente ng Badoc, Ilocos Norte.

Kasama ng biktima sa loob ng sasakyan ang dalawang iba pang construction worker na edad 45 at 40 na parehong residente rin ng Badoc, Ilocos Norte

Nabatid na ang tatlo ay nakasakay sa kulay green na Mercedez Benz van at bumibiyahe papuntang timog.

Pagdating sa pakurbang bahagi ng kalsada, biglang nawalan ng kontrol sa manibela ng sasakyan ang driver hanggang sa bumangga ang minamaneho nitong sasakyan sa concrete fence.

Nang dumating ang rumespondeng personnel ng Pagudpud MPS, BFP, MDRRMO at RHU ay nakita nila ang driver na walang malay na naipit  doon mismo sa driver’s seat.

Nagtulong-tulong ang grupo hanggang sa mailabas nila ang biktima.

Agad na isinugod sa ospital ang biktima ngunit idineklarang dead-on-arrival ng umatending doktor.

Hindi  nasaktan  sa naturang insidente ang dalawang   kasama nito. Rolando S. Gamoso

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here