Home NATIONWIDE Military exercises sa Pilipinas ‘purely defensive’ – State Department

Military exercises sa Pilipinas ‘purely defensive’ – State Department

UNITED STATES – ‘Purely defensive’ ang US-Philippine military exercises at naglalayong mapanatili ang kahandaan at mapreserba ang regional security, sinabi ng US State Department spokesperson nitong Sabado, Pebrero 15.

Ito ay tugon sa paghimok ng defense ministry ng China sa Manila na alisin na ang Typhon intermediate-range missiles ng US.

Ang Typhon launchers ay kayang makapagpalipad ng multipurpose missiles nang ilang libong kilometro ang layo.

“These US systems are designed to be conventionally armed and are not designed to employ nuclear payloads,” sinabi ng tagapagsalita.

Matatandaan na inakusahan ng defense ministry ng China ang Pilipinas na bumabali sa pangako nito sa pagpapakilala ng missile system, na tinatawag na “strategic offensive weapon”.

Sinabi naman ng Pilipinas na ang Typhon missile system ay para lamang sa depensa at walang ipinangako sa China na aalisin ito. RNT/JGC