Home NATIONWIDE Mindanao Railway Project aayusin ng DOTR

Mindanao Railway Project aayusin ng DOTR

MANILA, Philippines – Matapos na bitawan ng China ang pagpondo sa Mindanao Railway Project, sinabi ng Department of Transportation (DOTr) na babaguhin nito ang kabuuan ng proyekto upang isaprayoridad ang pagbuo ng modern at environment-friendly railway system sa southern Philippines.

“We need to finalize the [feasibility] study. The Mindanao Railway’s original study proposed the use of diesel-powered trains… but, if we want to build a new system, we should adopt a more modern and environment-friendly technology,” sinabi ni Transportation Secretary Jaime Bautista.

Nang tanungin kung babaguhin ng DOTR ang feasibility study nito para sa Mindanao Railway Project, sagot ni Bautista ay, “Yes, yes.”

“Our consultants are already doing it,” ayon pa sa opisyal.

Inaasahang makukumpleto sa kasalukuyang administrasyon ang pag-aaral.

Noong Pebrero, inanunsyo ng DOTR na nagsimula na ito sa
pre-construction activities para sa proyekto, nagsimula nang bumili ng mga lupa sa target alignment at tinukoy na rin ang resettlement sites para sa mga displaced residents.

Nagsimula ang pre-construction works sa kabila na naghahanap pa rin ang pamahalaan ng funding sources para sa proyekto.

Nakikipag-ugnayan na ang DOTR sa Department of Finance para sa potential funding.

Noong Setyembre 22, 2023, nagpadala ng sulat si dating Finance Secretary Benjamin Diokno kay Chinese Ambassador Huang Xilian na nagsasabing hindi na itutuloy ng bansa ang loan financing para sa MRP mula sa China.

Kinumpirma ito ni Bautista sa isang forum noong Oktubre 2023, sa pagsasabing iniurong na ng ahensya ang Chinese official development assistance (ODA) bilang funding source para sa MRP at dalawa iba pang railway projects dahil hindi naman umuusad ang negosasyon.

Target ngayon ng ahensya na makakuha ng ODA mula sa iba pang mga bansa, maging ang international financial institutions, bilang posibleng panggagalingan ng pondo para sa mga proyekto. RNT/JGC