Home NATIONWIDE Ministry of Health ng BARMM nanawagan na makiisa sa bakuna vs tigdas,...

Ministry of Health ng BARMM nanawagan na makiisa sa bakuna vs tigdas, rubella

216
0

MANILA, Philippines – Nanawagan sa publiko ang Ministry of Health ng BARMM na makiisa sa pagsisimula ng malawakang bakunahan kontra tigdas at rubella sa buong rehiyon.

Isinagawa nitong Lunes, Enero 19 ang kick off ng Ligtas Tigdas Measles Rubella Supplemental Immunization Activity sa Bangsamoro Government Center sa Cotabato City, sa pangunguna ng Ministry of Health BARMM katuwang ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan at international partners.

Layunin ng kampanya na maprotektahan ang mga bata laban sa tigdas at rubella at maiwasan ang pagkalat ng mga sakit na maaaring magdulot ng seryosong komplikasyon.

Target ng bakunahan ang mga batang may edad limang buwan hanggang limampu’t siyam na buwan.

Mula Enero 19 hanggang Pebrero 13, isasagawa ang pagbabakuna.

Libre ang bakuna at maaaring makuha sa mga Barangay Health Station at Rural Health Unit.

Magsasagawa rin ng house to house vaccination at magtatayo ng mga mobile clinic upang maabot ang mga batang nasa malalayong lugar.

Patuloy namang hinihikayat ng MOH BARMM ang mga magulang at komunidad na makiisa sa kampanya upang matiyak ang kaligtasan at kalusugan ng mga bata sa rehiyon. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here