Home NATIONWIDE Miru headquarters sa SoKor binisita ng Comelec

Miru headquarters sa SoKor binisita ng Comelec

MANILA, Philippines – Binisita ng Commission on Elections (Comelec) ang South Korea headquarters ng Miru Systems Company Ltd., na magbibigay ng mga automated counting machine (ACM) at iba pang materyales para sa 2025 midterm elections sa Pilipinas.

Personal na inilibot ni Miru Systems CEO Chung Jinbok at kanyang team si Comelec chairman George Erwin Garcia at commissioners Nelson Celis at Aimee Ferolino pati ang iba pang stakeholders.

Ipinrisinta ng Miru ang ibat-ibang ACMs na ginawa ng kumpanya para sa ibang mga bansa tulad ng Congo at Iraq.

Pagkatapos ay ipinakita ng Miru sa delegasyon ng Pilipinas ang step-by-step na proseso nito para makagawa ng customized lease order ng gobyerno ng Pilipinas.

Ipinakita rin ang mga binagong ballot box.

Pinasalamatan ng mga opisyal ng Comelec ang Miru systems sa pag-accommodate ng kanilang customization requests.

Ngunit pinaalalahanan ni Garcia ang publiko na kailangang hadlangan ng Miru ang huli at mas mahalagang requirement.

Ayon kay Garcia, hihintayin pa rin ng Comelec ang source code na kailangang nakapasa sa international standard at kailangang ding nakapasa sa ating IT engineers.

Tiniyak naman ni Chung sa publiko na mayroon silang magandang reputasyon sa election technology.

“We have been in the elections for 20 years now,” saad ni Chung. Jocelyn Tabangcura-Domenden