Home NATIONWIDE LPA malapit sa Bohol, nalusaw na

LPA malapit sa Bohol, nalusaw na

MANILA, Philippines – Nalusaw na ang low pressure area na namataan sa dagat na sakop ng Bohol nitong Martes ng umaga, Hunyo 11.

“Kaninang alas-diyes ng umaga, tuluyan nang natunaw itong binabantayan nating low pressure,” sinabi ni Chris Perez, PAGASA assistant weather services chief, sa panayam ng GMA News.

“Subalit may mga maninipis pa ring konting kaulapan na posible pa ring makaapekto sa ilang lugar dito sa Visayas ngayong araw,” dagdag niya.

Bago nalusaw, huling namataan ang LPA sa coastal waters ng Garcia Hernandez, Bohol. RNT/JGC