Home METRO Misis na naglalaba pinagbabaril-patay!

Misis na naglalaba pinagbabaril-patay!

184
0

LAGUNA- Dead-on-arrival sa pinakamalapit na pagamutan ang isang ginang na pinagbabaril habang naglalaba sa harap ng kanyang bahay ng isang hindi nakikilalang salarin nitong Sabado, Agosto 31, sa Santa Barbara St. Amante Subd. Barangay Del Remedio San Pablo City.

Kinilala ng San Pablo City Police Station ang biktima na si alyas Zoila, 57, na nagtamo ng tama ng bala sa ibat-ibang bahagi ng katawan na kaagad na binawian ng buhay.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya sa pinagyarihan ng krimen dakong ala-1:30 ng hapon nang biglang dumating ang hindi nakikilalang lalaking suspek lulan ng motorsiklo at walang habas na pinagbabaril ang biktima.

Narekober sa naturang lugar ang apat na pirasong bala sa hindi pa matukoy na kalibre ng baril.

Patuloy namang pinaghahanap ang suspek na nakasuot ng kulay itim na helmet, maong pants at black jacket, habang inaalam pa rin ng pulisya ang motibo ng pamamaslang sa ginang. Ellen Apostol

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here