Home NATIONWIDE Sipsip-oil spill sa Bataan pansamantalang itinigil – PCG

Sipsip-oil spill sa Bataan pansamantalang itinigil – PCG

MANILA, Philippines – Pansamantalang itinigil ang siphoning operation sa lumubog na motor tanker sa Limay, Bataan bunsod ng pananalasa ni bagyong Enteng.

Sa update ng Philippine Coast Guard (PCG) ngayong umaga, ipinag-utos ang temporary suspension sa nasabing operasyon.

Ayon sa PCG, ang kinontratang Harbor Star ay sinigurado ang lahat ng siphoning lines at containment equipment , isinara ang lahat ng hot taps at kinansela ang paglilipat ng narekober na oil waste.

Itinigil din ang operasyon ng FES Challenger, ang konontrang salvor ng MTKR Jason Bradley’s habang ang Coast Guard response team ay sinigurado dlrin ang MV Mirola 1 na nanatili sa Diving Industry Shipyard, Barangay Alas-asin, Mariveles, Bataan.(Jocelyn Tabangcura-Domenden)