Home ENTERTAINMENT Lawyer nina Jojo at Richard, nagsalita sa medico-legal ni Sandro!

Lawyer nina Jojo at Richard, nagsalita sa medico-legal ni Sandro!

Manila, Philippines – Kinumpirma ni Atty. Maggie Abraham-Garduque, abogado nina Richard Cruz at Jojo Nones, na ang umikot na medico legal report online ay ang medico-legal report ni Sandro Muhlach na isa sa mga ebidensya nito na nakalakip sa complaint-affidavit na inihain sa DOJ Laban sa kanyang mga kliyente.

Subalit aniya: “Katulad ng CCTV footages na nauna nang nailabas na ebidensya ni Sandro na makikitang tuwid na tuwid itong maglakad at walang bahid na nadroga or na-rape, this medico legal report likewise does not support the rape case he filed against our clients.

“He filed a case for rape by sexual assault under par 2 of the new rape law which is committed by any person who inserts his penis to the mouth or anal orifice of another or inserts any instrument or object inside the genitals or oral orifice of another.

“However, the medico legal report shows no injury in the anus and wala rin namang allegation that a penis, object or instrument was inserted to Sandro’s mouth.”

Nagbigay din sya ng pahayag sa pagpa-file ni Sandro ng reklamo sa NBI sa mga online sites and accounts na nambu-bully sa kanya.

Anıya: “Actually my clients are bullied as well. They were called names, found guilty kahit wala pang napa-file na kaso nu’n sa kanila.

“Sa isang FB page nga nakalagay na pinatay or namatay na raw si Richard Cruz. Thus, they were advised to shy away from social media to protect their mental health.

“’Yan kaşı talaga ang risk when you publicize your story/allegations and evidence, naturally these will be subjected to public scrutiny. Hindi natin masisisi ang mga netizens to process and verify if your evidence supports your allegations. At Syempre may mga hindi aayon sa ‘yo.

“Kaya from the start, we are firm that we will just give our version of the story and will just present our evidence in the proper forum.”

Nakatakdang magpasa ng counter-affidavit ang kampo nina Nones at Cruz sa September 12 sa DOJ kung saan sasagutin na nila at ipiprisinta ang mga kontra-ebidensya nila sa reklamong panghahalay na isinampa ni Sandro. JP Ignacio