Home ENTERTAINMENT Misis ni Rocco, pinasok na ang showbiz!

Misis ni Rocco, pinasok na ang showbiz!

Manila, Philippines- Sumabak na rin sa showbusiness ang misis ni Rocco Nacino na si Melissa Gohing.

May blessing naman ito ng Kapuso actor.

Katunayan, ayon kay Rocco, siya ang nag-encourage sa misis na subukan ang nasabing larangan.

Para kasi sa kanya, fun ride ang showbusiness at gusto raw niyang ma-experience ni Melissa.

Swak daw kasi ito sa isang taong competitive tulad ng kanyang kabiyak.

Ayon naman kay Melissa, ngayong Sparkle artist na siya, open daw siya na sumabak sa pag-arte.

Kung mapagbibigyan din ng pagkakataon, gusto raw niyang makatrabaho ang hubby sa isang proyekto.

Sa Fast Talk with Boy Abunda, inamin naman ni Rocco na siya ang unang nangangalabit sa misis.

Siya rin daw ang humahawak ng pera sa kanilang mag-asawa.

Never din daw nilang pinagselosan ang kanilang mga ex.

Never din daw silang nag-away pagdating sa pera.

Guilty raw naman silang pareho na nag-away dahil sa time. Archie Liao