MANILA, Philippines – Naresolba na ng Commission on Elections (Comelec) ang mga balotang ‘mislabeled’ sa ilang presinto sa Zamboanga City at Dumaguete City, sinabi ng Parish Pastoral Counil fpr Resposible Voting (PPCRV).
Sinabi ni PPCRV spokesperson Ana Singson na nilinaw ng Comelec na ang discrepancy sa pagitan ng bilang ng rehistradong botante na bumoto at balota sa presinto ay dahil sa pagkakamali o error nang ilagay ang balota sa automated counting machines.
Dahil dito, dapat i-scan ang mga balota hindi lamang isang beses kada botante.
Ngunit ni-label ng Comelec ang mga na-scan na balota o ang kabuuang bilang ng valid, rejected at returned ballots bilang aktwal na mga balota.
Nag-alala ang PPCRV nitong Huwebes, Mayo 15, matapos ang maraming boto na nagmula sa Zamboanga City at Dumaguete City.
Ang mislabeled cast ballots ay naitama noong Mayo 15 at ang bilang ng mga botante na bumoto at wastong mga balota ay 814.
Natanggap na ng PPCRV ang huling batch ng transmitted votes noong Huwebes.
Sinabi ni Singson na nakatanggap na sila ng 99.12% ng transmitted election returns mula sa 92,808 presinto sa buong bansa. Jocelyn Tabangcura-Domenden