Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang 12 senatorial candidates ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas sa Santa Rosa City, Laguna sa Sabado (Marso 22, 2025). Hindi sumali sa sortie sina Senator Imee Marcos at Las Piñas Rep. Camille Villar sa ikalawang sunod na araw. Cesar Morales
MANILA, Philippines – “I do respect Navotas Rep Toby Tiangco’s opinion regarding the matter but I do not subsribe to it.”
Ito ang diretsang tugon ni House Deputy Speaker Jay Jay Suarez sa naging pahayag ni Tiangco na lumiit ang tiyansa ng 11 senatorial bets ng Alyansa na makapasok sa Magic 12 dahil nakaapekto ang inihaing impeachment case ng Kamara sa Senado laban kay Vice President Sara Duterte.
Sa panayam ng mga mamamahayag kay Suarez sinabi nito na maaaring ang pahayag ni Tiangco ay base sa kanyang kapasidad bilang Alyansa Campaign manager kaya naman kanila itong nirerespeto.
Gayunpaman, para kay Suarez ay wala itong basehan lalo kung titignan ang winning rate ng mga mambabatas na pumirma sa impeachment.
“Kung titignan ang datos ang winning rate ng mga pumirma sa impeachment ay 87%, kung naapektuhan ang kanilang kandidatura dahil sa pagsuporta sa impeachment ay sila dlapat ang unang makakaramdam,” paliwanag ni Suarez.
Nilinaw pa ni Suarez na walang kapalit ang pagpirma ng mga mambabatas sa impeachment.
“No one was forced to signed the impeachment, they did it on their own volition,” dagdag pa ni Suarez.
Una nang tinukoy ni Tiangco ang resulta ng eleksyon sa Mindanao na isa sa naapektuhan nang maghain ng impeachment.
“I have seen it clearly. If in the past, our candidates were getting votes from Mindanao, now no more. In the past, they chose candidates that they liked. Now, it changed. Their choice of candidates was whoever would not vote in favor of the impeachment,” ani Tiangco.
Depensa pa ni Tiangco na hindi sya ang dapat na sisihin sa naging pagkululang ng Alyansa. Gail Mendoza