Home NATIONWIDE Missile attack ng Russia sa Kyiv, nagdulot ng sunogNATIONWIDETOP STORIESWORLD Missile attack ng Russia sa Kyiv, nagdulot ng sunogFebruary 12, 2025 17:59 FacebookTwitterPinterestWhatsAppTikTok UKRAINE – Patay ang isang sibilyan habang nagdulot ng ilang sunog sa lungsod ng Kyiv, sa Ukraine ang inilunsad na missile attack ng Russia.“Russia carried out a missile strike on Kyiv and the Kyiv region,” sinabi ni Andriy Yermak, chief of staff ni President Volodymyr Zelenskiy.“This is how (Vladimir) wants the war to end.”Kamakailan ay nangako si U.S. President Donald Trump na tatapusin na ang kaguluhan sa Ukraine.Samantala, iniulat ni Kyiv Mayor Vitali Klitschko na isa katao ang nasawi dahil sa pag-atake.Sumiklab din ang sunog sa ilang residential at non-residential buildings dahil dito. RNT/JGC