MANILA, Philippines – Sinabi ng Police Regional Office-13 na mayroong 29 na areas of concern ang Caraga region sa paparating na eleksyon sa Mayo.
Sa 19 lugar, 10 ang matatagpuan sa Agusan del Sur, at siyam sa Surigao del Sur na nasa ilalim ng orange category.
Nangangahulugan ito na mayroong armed threats dahil sa iba’t ibang dahilan, at may naitala ring mga nakalipas na election-related incidents.
“These areas have recorded incidents in the last two elections, making them most priority zones for security measures,” ayon kay PRO-13 Director Police Brig. Gen. Christopher N. Abrahano.
“So far, so good no untoward incident reported during the first day of campaigning.”
Mayroon namang 10 iba pang lugar na nasa ilalim ng yellow category dahil sa intense political rivalries – lima sa Surigao del Norte, tatlo sa Surigao del Sur, at tig-iisa sa Agusan del Norte at Agusan del Sur.
“But no area in the five provinces and six cities in Caraga region falls under the red category’ (critically and serious concern),” ani PRO 13-Regional Public Information Office chief Police Major Jennifer S. Ometer.
Naaresto ng PRO-13 ang 16 gun ban violators at nakumpiska ang 15 armas mula Enero 12 hanggang Pebrero 11.
“Our mobile checkpoints strategically positioned in different areas in the region helped a lot in deterring crime, especially during election period,” ani Ometer.
Mahigit 6,100 PRO-13 personnel ang ipinakalat sa rehiyon para sa papalapit na eleksyon. RNT/JGC