MANILA, Philippines – HINDI na nakauwi sa kanyang pamilya ang isang mister ng idineklarang dead on arrival sa pagamutan matapos itong pagbabarilin ng hindi nakilalang riding in tandem kabilang ang gunman na babae, kahapon Setyembre 12,2024 sa Purok 2, Barangay San Pedro, sa lungsod ng San Pablo, Laguna.
Ang biktima ay kinilalang si Zeus Javier Magnaye, nasa hustong gulang, at naninirahan sa naturang lungsod ay nasawi sa mga tinamong tama ng bala sa katawan.
Base sa pagsisiyasat ng San Pablo City Police Station sa pinangyarihan ng krimen, dakong alas- 5:00 ng hapon habang ang biktima na kasalukuyang naglalakad pauwi ay bigla na lamang pinaputukan ng babaeng gunman na naka-angkas sa motorsiklo na minamaneho naman ng isang lalaki.
Patuloy na inaalam ang motibo ng pamamaril at tinutukoy na rin ang pagkakakilanlan ng mga suspek na pawang lulan ng isang XRM Motorcycle na walang plaka, kapwa nakasuot ng kulay itim na long sleeves, maong black pants, tricolor at white helmets. Ellen Apostol