MANILA, Philippines – Nagsasagawa ng workshop ang Nuclear Energy Program Inter-Agency Committee (NEP-IAC) sa pangunguna ng Department of Energy (DOE) kaugnay sa nuclear policies at assessments.
Ang workshop ay nagsimula Setyembre 9 na nagsusuri at nagsasagawa ng deliberasyon sa mga polisiya ng NEP-IAC Subcommittee 2 na pinangungunahan ng Philippine Nuclear Research Institute (PNRI) at Subcommittee 5 sa pangunguna ng DOE.
Nauna nang bumuo ang NEP-IAC ng anim na subcommittee na mag-uusap para sa 19 infrastructure issues ng IAEA.
Kasalukuyang binubusisi ng Subcommittee 2 ang mga provison ng draft national policy sa nuclear safety at radiation protection, na layong magsiguro ng transparency sa lahat ng aktibidad na may kaugnayan sa mapayapang paggamt ng nuclear energy at palakasin ang proteksyon sa citizenry at environment sa alinmang epekto ng ionizing radiation sa bansa.
Tinatalakay din ng panel ang draft national policy sa nuclear security, na layong igarantiya ang seguridad ng nuclear at radioactive materials at mga pasilidad nito at operasyon, tumugon sa commitment ng bansa sa international obligations, at magtatag ng mga roles at responsibilities ng lahat ng concerned government agencies, at iba pang sector at stakeholders.
Samantala, inaalam ng Subcommittee 5 ang strategic at technical evaluations at assessments ng mga site na ligtas at naaayon sa posibleng nuclear energy-related project studies at developments. RNT/JGC